|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskong idinaos kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa isyu ng network security, ang walang batayang pagbatikos ay di-nakakabuti sa paglutas ng isyung ito.
Kaugnay ng isyung napasakamay umano kamakailan ng Chinese "hacker" ang mga lihim na blueprint ng gusali ng Kagawaran ng Seguridad ng Impormasyon ng Australia, ipinahayag ni Hong na pinahahalagahan ng panig Tsino ang isyu ng network security, at buong tatag aniyang tinututulan ng Tsina ang mga kilos ng cyber attack sa anumang porma.
Dagdag pa niya, ipinalalagay ng panig Tsino na bilang komong problemang kinakaharap ng komunidad ng daigdig, kailangang mataimtim na magtalakayan ang mga bansa hinggil dito, upang magkakasamang mapangalagaan ang mapayapa, ligtas, bukas, at kooperatibong cyberspace.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |