|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand, na sa kasalukuyang taon, tinatayang mananatili sa 4.2% hanggang 5.2% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansang ito. Ang inflation rate naman aniya ay makokontrol sa 2.3% hanggang 3.3%.
Winika ito ni Yingluck sa kanyang ulat sa Kongresong Thai hinggil sa badyet na piskal para sa 2014. Idinaos kahapon ng Kongresong Thai ang espesyal na pulong para suriin ang nasabing ulat.
Salin: Li Feng
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |