"Dapat magkasamang magsikap ang komunidad ng daigdig, UN at mga may kinalamang bansa, para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan sa Gitnang Aprika." Ito ang ipinahayag kahapon sa New York ni Li Baodong, Pirmihang kinatawan ng Tsina sa UN, sa isang panel discussion hinggil sa mga gawain ng UN sa Gitnang Aprika at isyu ng Lord's Resistance Army (LRA) sa Uganda.
Sinabi ni Li na umaasa ang Tsina na tutulungan ng komunidad ng daigdig ang mga bansang Gitnang Aprikano para maisakatuparan ang katatagan at kapayapaan, at patuloy na bigyang-dagok ang LRA. Binigyang-diin din niya na dapat gumanap ang UN ng mas mahalagang papel sa usaping ito.