Sa pagkikita kahapon sa Vientiane nina DOUANGDCHAY PHICHIT, Ministro ng Tanggulan ng Laos at dumadalaw na Deputy Chief of General Staff ng PLA na si Qi Jianguo, nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa, dalawang hukbo, at mga isyung panseguridad ng rehiyon.
Ipinahayag ni DOUANGDCHAY PHICHIT ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Laos. Positibo rin aniya ang kanyang bansa sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Laotian, at nakahanda itong isulong pa ang kooperasyon ng dalawang hukbo.
Ipinahayag naman ni Qi na may matatag na pundasyon ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Laos, at mabunga ang pagtutulungan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos, para ibayo pang palalimin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa at dalawang hukbo.