Hinggil sa isyu ng Diaoyu Island, inulit ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ilegal at imbalida ang Treaty of Peace with Japan, hinding-hindi matanggap ito ng Tsina, dahil hindi lumahok ang pamahalaang Tsino sa paglalagda.
Ipinahayag ito ni Hong na nakatuon sa pagsasalita ni Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary ng Hapon na ang Diaoyu Island ay isang bahagi ng terioryo ng Hapon ayon sa Treaty of Peace with Japan na nilagdaan noong 1951 sa San Francisco.
Ani Hong, ayon sa Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Hapon na nilagdaan noong 1972 para sa normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones, dapat sundin ng Hapon ang ika-8 Article ng Potsdam Proclamation sa isyu ng teritoryo. Inulit ng Tsina na hindi matanggap ang Treaty of Peace with Japan, kasi hindi lumahok ang pamahalaan ng People's Republic of China sa anumang gawain hinggil sa pagsasapubliko nito.