Tiniyak ngayong araw ng Liberal Democratic Party ng Hapon, Partidong nasa kapangyarihan ang mungkahi hinggil sa bagong National Defense Program Outline (NDPO) ng bansa. Pinaninindigan nitong nagtayo ng "matatag" na mobile defense force, sa halip na mobile defense force lamang. Ihaharap ng nasabing partido ang mungkahing ito sa darating na Julyo kay Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, upang maging reperensya sa pagbalangkas ng bagong NDPO.
Ayon sa mungkahing ito, daragdagan ang bilang ng mga sundalo ng Japan Self Defence Forces (JSDF) at badyet na pandepensa. Pinaninindigan din nitong sisimulan ang pananaliksik sa pagpapataas ng kakayahan sa pagbibigay-dagok sa mga base ng kaaway at paglaban sa cyber attack.
salin:wle