|
||||||||
|
||
Sa magkakahiwalay na okasyon, kinatagpo kahapon ni Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina, sina Bounnhang Vorachith, Pangalawang Pangulo ng Laos; Sok An, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya; at Mahinda Rajapaksa, Pangulo ng Sri Lanka.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Bounnhang Vorachith, sinabi ni Li na nakahanda ang mga lider ng Tsina na mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Laos, at magkasamang payabungin ang usaping sosyalista.
Ipinahayag naman ni Bounnhang Vorachith na ang karanasan ng Tsina ay makakatulong sa pagpapabuti ng lipunang sosyalista ng Loas.
Sa kanya naman pakikipagtagpo kay Sok An, winika ni Li na nakahanda ang Tsina na maisakatuparan ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Kambodya, para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Umaasa naman si Sok An na mapapalaki ng Tsina ang pamumuhunan sa Kambodya sa agrikultura, industrya, konstruksyon ng imprastruktura at iba pa, at mapapahigpit ang kooperasyon sa turismo at kalakalan.
Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Mahinda Rajapaksa, sinabi ni Li na sa kasalukuyan, ang relasyon ng Tsina at Sri Lanka ay nasa pinakamabuting panahon at nakahanda silang mapalalim ang kooperasyon.
Winika naman ni Rajapaksa na umaasa siyang mapapalakas ang pagpapalitan sa mataas na antas ng dalawang bansa, at mapapalawak ang kooperasyon nila sa pamumuhunan, turismo at edukasyon.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |