|
||||||||
|
||
Hinggil sa naturang paanyaya ng E.U., ipinahayag ni Jiang Yuechun, opisyal ng China Institute of International Studies na tapat ang mithiin ng E.U. na anyayahan ang Tsina na lumahok sa TPP, dahil hindi maaaring mabisang maisasagawa ng E.U. ang rehiyonal na kooperasyon sa rehiyong Aisya-Pasipiko kung walang paglahok ng Tsina sa prosesong ito. Sinabi niyang ang pag-ahon ng Tsina ay may malawak na epekto sa buong rehiyong Asiya-Pasipiko. Kung walang paglahok ng Tsina, hindi malulubos ang kasiglahan ng operasyon ng TPP.
Tatanggapin ba ng Tsina o hindi ang naturang paanyaya ng E.U.? Kung lalahok sa TPP, ano ang kahirapan na kakaharapin ng Tsina sa hinaharap? Hinggil dito, ipinahayag ni Jiang na nitong nagdaang ilang taon, hindi isinasali ng E.U. ang Tsina sa TPP. Sa kasalukuyan, nagbago ang pakikitungo ng E.U., kaya dapat gumawa ang Tsina ng positibong reaksyon dito at lalahok ito sa TPP. Ipinalalagay ni Jiang na ang Tsina ay isang bansa na may pinakamalaking saklaw na pangkabuhayan sa rehiyong Asiya-Pasipiko at mabuti para rito na lumahok sa TPP. Pero, sinabi rin niyang, sa kasalukuyang yugto, ang Tsina ay nasa proseso ng pagbabago ng kabuhayan at kinakaharap nito ang iba't ibang kahirapan. Hindi aniya angkop sa pamantayan ng TPP ang kalagayan sa estruktura ng industriya, kabuhayan, kalakalan sa labas at iba pang larangan ng Tsina, kaya dapat lumahok ang Tsina sa TPP kasabay ng walang humpay na pag-sasaayos sa kalagayan ng iba't ibang larangan.
Ipinahayag rin ni Jiang na ang paglahok ng Tsina sa TPP ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ang kasalukuyang daigdig ay nasa panahon ng globalisasyon, at walang humpay na pinapaunlad ang tunguhin ng rehiyonal na kooperasyon sa rehiyong Asiya-Pasipiko. Kaya, ipinalalagay ni Jiang na ang pagtanggap sa paanyaya ng E.U. at paglahok sa TPP ay makakabuti sa sustenableng pag-unlad ng Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |