Binuksan ngayong araw sa Beijing ang 2013 China Sport Show na may temang "Responsibilidad, Kompiyansa, at Win-win."
Alinsunod sa katangian ng sports products at mga kalahok na bahay-kalakal, nahahati ang peryang ito sa 6 na tema na gaya ng pasilidad para sa body-building, massage and rehabilitation; pasilidad ng mga sports fields at gyms at paggawa nito; at isports ng tennis at badminton. Sa panahon ng perya, idaraos ang 17 aktibidad na gaya ng porum sa mataas na antas, interactive experience, pakontes at palabas, negosyong komersyal, at iba pa.
Salin: Andrea