Ipininid kahapon ng hapon sa Xi'an, lunsod sa hilagang kanlurang Tsina, ang isang espesyal na pulong ng International Conference of Asian Political Parties (ICAPP) na may tema hinggil sa sustenableng pag-unlad. Kalahok sa pulong ang mga kinatawan ng mga partidong pulitikal ng 33 bansa ng Asya-Pasipiko.
Sa 2-araw na pulong na ito, nagpalitan ang mga kalahok ng kani-kanilang karanasan hinggil sa pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran. Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa larangang ito, at mahalagang papel ng mga partidong pulitikal sa pagpapasulong ng kooperasyong ito. Pinagtibay din sa pulong ang Xi'an Initiative hinggil sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng Asya-Pasipiko.
Salin: Liu Kai