Sa isang panayam na ginawa bago ang kanyang dalaw-pang-estado sa Trinidad and Tobago, Costa Rica, at Mexico, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa na magsikap, kasama ng mga bansa ng Latin-Amerika at Caribbean, para walang humpay na mapasulong ang kanilang komprehensibo at kooperatibong partnership, at sa gayon, magdulot ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Dagdag pa ni Xi, na bukas, inklusibo, kooperatibo, at win-win ang pag-unlad ng Tsina at mga bansa ng Latin-Amerika at Caribbean. Ito aniya ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa, at magbibigay din ng ambag sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Liu Kai