Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na bukas ang atityud ng kanyang bansa sa anumang mungkahing makakabuti sa integrasyong pangkabuhayan at komong kasaganaan ng Asya, na kinabibilangan ng Trans-Pacific Partnership (TPP) at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Winika ito ni Hong bilang tugon sa tanong kaugnay ng paanyaya ng Estados Unidos sa Tsina na lumahok sa TPP. Dagdag pa niya, laging sinusubaybayan ng Tsina ang proseso ng talastasan sa TPP. Umaasa rin aniya ang Tsina na magiging mas transparent ang talastasang ito.
Salin: Liu Kai