Ngayong araw, unang araw ng Hunyo, ay World Children's Day. Sa taong ito, isasagawa ng sampung departamento ng pamahalaan ng Tsina ang isang espesyal na aktibidad, para mapasulong ang pagbalik sa paaralan ng mga batang pulubi.
Lalahok sa aktibidad na ito ang Ministri ng Suliraning Sibil, Ministri ng Edukasyon, at iba pa. Batay sa aktuwal na kalagayan at pangangailangan ng bawat batang pulubi, tutulungan sila ng mga departamento para tanggapin ang angkop na porma ng edukasyon, na gaya ng pundamental na edukasyon, bokasyonal na edukasyon, special traning course, at iba pa.
Salin: Liu Kai