Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hiwaga pa rin ang dahilan ng pagsabog sa Serendra kagabi

(GMT+08:00) 2013-06-01 18:55:36       CRI

Hiwaga pa rin ang dahilan ng pagsabog sa Serendra kagabi

PATULOY ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa pinagmulan ng pagsabog kagabi sa Serendra sa The Fort sa Taguig City.

Sa isang press briefing, sinabi ni Interior Secretary Manuel Araneta Roxas II na inaalam pa ng mga pulis at bumbero ang dahilan ng pagsabog sa 2 Serendra na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng limang iba pa.

Niliwanag din ni Kalihim Roas ang balitang inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot na ang bilang ng nasawi sa anim. Humingi ng paumanhin si NDRRMC head Eduardo del Rosario sa pagkakamali. Na-doble umano ng kanyang mga tauhan ang pagbibilang sa mga nasa stretcher.

Nakita ng kanyang mga tauhan ang tatlong stretchers na may mga bangkay at nabatid na ang tatlo ay mula sa isang delivery van na binagsakan ng sementong dingding mula sa Unit 501 na pinagmulan ng pagsabog.

Ibinalita rin ni Kalihim Roxas na ang mga asong sanay sa paghahanap ng bomba mula sa pulisya at militar ay walang nalanghap na bomba ang pinagmulan ng pagsabog.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon, dagdag pa ni Kalihim Roxas at inaalam ang lahat ng anggulo sa insidente. Isa umano sa mga nasugatan, isang Angelito San Juan ang umaarlika sa Unit 501 mula sa isang Ginoong Gaiton. Nagtamo ng paso si San Juan sa kanyang likuran samantalang palabas ng unit ng maganap ang pagsabog. Nagreklamo na umano si San Juan sa building administrator na napakainit sa loob ng kanyang unit kahit pa bukas na ang air conditioning unit.

Pangalawang Pangulong Binay, dadalo sa Asia Pacific Weeks 2013

NAKATAKDANG umalis si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay patungong Alemanya upang magsalita sa pagbubukas ng Asia Pacific Weeks 2013, isa sa pinakamahalagang pagtititpon ng mga mangangalakal sa bawat dalawang taon sa Berlin.

Layunin ng pagtitipong tulungan ang mga umuunlad na bansa mula sa Asia-Pacific region na magkaroon ng pangmatagalang economic at social urban development na mag-aalok ng mga solusyon para sa paglago ng mga mamamayan at pressures sa kalikasan.

Mula noong 1997, ang Asia-Pacific Weeks Berlin ay nagbibigay ng daan para sa talakayan sa kalakal at politika, agham at pananaliksik at maging kultura at lipunan.

Ani Ginoong Binay umaasa siyang mapapasigla ang mga pagdalaw nina Kalihim Albert F. Del Rosario sa Alemanya noong 2011 at ni German Minister Guido Westerwell sa Maynila noong nakalipas na Pebrero.

Pitong araw siyang mamamalagi sa Alemanya mula sa ikatlong araw hanggang sa ikasiyam na araw ng Hunyo upang isulong ang Philippine-German bilateral relations.

Samantalang naroon, mamamausap niya si German Foreign Minister Westerwell at Federal Labor Minister Ursula von der Leyen. Makakausap din niya ang mga nangungunang business leaders sa mga pagtitipong binuo ng Economic Council Germany sa Berlin at sa German Asia Pacific Business Association sa Hamburg.

Mangangasiwa din siya sa pagtatanghal ng Makati City as Smart City Portal to Business in the Philippines sa pulong na pinamagatang Forum on Sustainable Cities.

Idinagdag pa ni Ginoong Binay na umaasa siyang maibabahagi ng Makati ang kanilang karanasan at matuto sa karansan ng iba pang mga lungsod. Makakausap din niya ang mga Filipino communities sa Berlin, Hamburg, Stuttgart at Frankfurt.

Mga walang dokumentong Pinay, pinigil sa paliparan

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Immigration and Deportation sa Ninoy Aquino International Airport ang walang kababaihang walang dokumentong maghahanap ng trabaho sa Malaysia. Nagpanggap na mga turista ang mga pinigil. Isang babaeng kasama ng walo ang dinakip.

Ayon sa Immigration Bureau, isang insidente na naman ng human trafficking ang napigilan.

Sinabi ni Commissioner Ricardo David, Jr. na ang babae at walong mga kasama ay sasakay n asana sa isang Zest Air flight patungong Kuala Lumpur noong Lunes ng masabat ng mga tauhan ng travel control and enforcement unit sa NAIA 4.

Hindi ibinunyag ang mga pangalan ng mga naging biktima bilang pagsunod sa batas.

Inamin ng walong kababihan na sila'y kinuha ng kanilang courier, isang naninirahan sa Malaysia upang magtrabaho bilang mga maid at waitress sa Malaysia. Walang anumang papeles mula sa Philippine Overseas Employment Administration ang mga biktima.

Ang courier ay kasal sa isang Malaysian citizen at siyang lumagda sa letter of invitation na ipinakita ng mga biktima na nagkunwaring mga kaibigan o kamag-anak ng suspect.

Walang naipakitang pruweba ng kanilang financial capacity at source of income at sertipiko ng trabaho sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>