|
||||||||
|
||
Nakipag-usap kahapon sa Port of Spain si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Kamla Persad-Bissesar, Punong Ministro ng Republic of Trinidad and Tobago. Nagpalitan ang dalawang lider ng mga palagay hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at narating nila ang malawak na komong palagay. Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang lumahok ang mga lider ng dalawang bansa sa seremoniya ng paglalagda ng mga dokumentong pangkooperasyon.
Sinabi ni Xi na kasiya-siya ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng Tsina at Trinidad and Tobago, at umaasa siyang higit na uunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Ang susunod na taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Trinidad and Tobago, kaya ipinahayag ni Xi na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ang Trinidad and Tobago, para magkasamang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni PM Kamla na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Xi, tiyak na matatamo ang mas malaking pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Trinidad and Tobago. Ipinahayag niyang nakahanda ang kanyang bansa na aktibong isagawa ang pakikipagpalitang kultural sa Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |