Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Klase, nagsimula na sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-06-03 17:04:58       CRI

Klase, nagsimula na sa Pilipinas

KLASE SA PILIPINAS, NAGSIMULA NA.  Makikita sa mga larawan ang mga mag-aaral, mga magulang at mga tauhan ng pulisya sa labas ng Ramon Magsaysay High School sa Maynila, isa sa pinakamalaking paaralang pampubliko na pinag-aaralan ng libu-libong mga mag-aaral sa high school.  May alagad rin ng pulisya upang maiwasan ang anumang kriminalidad.  (Kuha ni Melo Acuna)

NAPAGHANDAAN na ng Kagawaran ng Edukasyon ang pasukan ngayong araw na ito. Pahayag ni Kalihim Brother Armin A. Luistro na umaasa siyang walang anumang malaking problemang kinakaharap ang mga guro at mag-aaral sa School Year 2013-2014.

Umaasa ang Kagawaran na magkakaroon ng 20.8 milyon mag-aaral sa public schools. Aabot sa 1.78 milyon ang nasa Kindergarten, 13.3 milyon ang nasa elementarya at 5.7 milyon ang nasa high school.

Sinabi pa ni Bro, Armin na napaghandaan na ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga karaniwang problema sa pasukan.

Liban sa inisyatiba upang maging ganap ang Education for All, binigyang-diin ni Bro. Armin na kailangan ang mas maraming mag-aaral na papasok ngayong taong ito at maiwasan ang pagkakaroon ng backlog sa basic learning resources. Ang kakulangan sa mga aklat at upuan ng mga bata, teacher items at water and sanitation facilities na maiibsan na bago magwakas ang 2013.

Sa kabilang-dako, ang Kagawaran ay bumuo ng Oplan Balik Eskwela na naging dahilan ng tie-up sa iba't ibang security forces matiyak lamang ang kapayapaan sa mga paaralan sa buong bansa.

Dalawang Pinoy, outstanding sa Thailand

DALAWANG Pinoy ang nakasama sa Honor Roll ng 499 na nagtapos sa Asian Institute of Technology. Isa ang nakatapos ng Master's Degree in Engineering at ang isa'y nakatapos ng may degree na Masters in Business Administration. Idinaos ang pagtatapos sa Main Campus sa Rangsit, Thailand. Si Consul General Edgar Badajos ang dumalo sa pagtatapos sa ngalan ng Embahada.

Mula noong 1961, isa nang full-pledged university and AIT na nag-aalok ng Masters and Doctoral Degrees

Kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa black sand mining, pinuna

MALAKING PINSALA ANG DULOT NG BLACK SAND MINING.  Ito ang paninindigan nina Fr. Alfred Rabe ng Archdiocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur.  Hindi umano mapigil ang pagmimina sa tabing-dagat sapagkat nagkakasundo ang mga pinuno ng pamahalaang-lokal at mga negosyanteng mula sa Taiwan.  (Kuha ni Melo Acuna)

NANAWAGAN ang kaparian ng Arkediyosesis ng Nueva Segovia sa pamahalaan sa bigya ng kaukulang pansin ang kanilang reklamo sa pinsalang idinudulot ng black sand mining sa ilang bayan ng Ilocos Sur.

Ayon kay Fr. Alfred Rabe, isa sa mga namumuno sa Ilocos Sur Collective Action for the Protection of the Environment, nagsimula ito sa Tagudin may limang taon na at sinundan ng San Vicente, Santa hanggang sa makarating sa Caoayan, Sta. Catalina, Sto, Domingo at Magsingal.

Humingi na sila ng tulong sa pamahalaang lokal subalit nagbingibingihan lamang ang mga ito. Multi-bilyong piso umano ang nakataya sa black sand mining. Ito rin ang dahilan kaya't nagkakasundo ang local government officials at mga banyagang may kakayahang makapamuhay ng maayos dahilan sa black sand mining.

Bukod sa local government officials, dumulog na rin sila kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III subalit nakalipas na ang dalawang buwan ay wala pang konkretong aksyon.

Nag-rally na ang mga mamamayan kasama si Arsobispo Ernesto A. Salgado at mga mamamayan noong buwan ng Pebrero subalit wala pa ring nangyari. Idinagdag pa ni Fr. Rabe na nag-picket na sila sa Department of Environment and National Resources at pinangakuan ni Bureau of Mines and Geosciences Director Leo Jasareno na tutulungan silang mapigil ang pagmimina sapagkat pawang illegal ang mga minahang nasa Ilocos Sur at walang permiso mula sa kanilang tanggapan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>