Ipininid kahapon sa Singapore ang 12th Shangri-La Dialogue. Sa 3 araw na pulong, tinalakay ng mga kalahok na kinatawan, mula sa 20 bansa't rehiyon ang mga isyung may kinalaman sa kooperasyong pangkatiwasayan sa larangang tradisyonal at di-tradisyonal, kabilang ang seguridad sa karagatan at internet.
Sa kanyang talumpati sa pulong, inulit ni Qi Jianguo, Deputy Chief of General Staff ng PLA ang paninindigan ng Tsina sa pagtahak sa landas ng kaunlarang pangkapayapaan.
Ipinahayag naman ni Catherine Ashton, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo hinggil sa mga Suliraning Diplomatiko at Panseguridad, na umaasa ang EU na pahihigpitin ang pakikipagtulungan sa mga bansa at rehiyon sa Asya-Pasipiko sa di-tradisyonal na larangang pangkatiwasayan, lalo na sa pakikibaka laban sa terorismo.