|
||||||||
|
||
Sa Nanning, Guangxi ng Tsina--Binuksan dito ngayong araw ang High-level People-to-People Dialogue ng Tsina at Timog Silangang Asya.
Sa naturang dalawang araw na diyalogo, tatalakayin ng mga kalahok na kinatawan at personahe ng iba't ibang sirkulo mula sa Tsina at 11 bansa sa Timog Silangang Asya ang mga paksang gaya ng "Pagtitipon-tipon ng Mithiin ng mga Mamamayan: Pagpapasulong ng Bagong Pag-unlad ng Relasyon ng Tsina at ASEAN," "Bagong Hakbangin ng Pragmatikong Kooperasyon," "Magkasamang Pagsisikap ng mga Opisyal at Mamamayan: Puwersang Tagapagpasulong sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Rehiyon," at iba pa.
Sa seremonya ng pagbubukas, bumigkas si Liu Qibao, Puno ng Publicity Department ng Partido Komunista ng Tsina, ng talumpating pinamagatang "Magtipon ng Katalinuhan ng mga Tao, Magpasulong ng Magkakasamang Pag-unlad."
Tinukoy ni Liu na palagiang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang mapagkaibigang pakikipaglagayan sa mga organisasyong di-pampamahalaan ng Timog Silangang Asya. Kinakatigan din aniya ng Tsina ang aktibong pakikisangkot ng mga organisasyong di-pampamahalaan sa pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan at antas. Aniya, ang Chinese Dream na iniharap ng bagong liderato ng Tsina ay pangarap sa kapayapaan at hamornya, at nangangahulugan itong pagsasakatuparan ng kasaganaan ng estado, pag-ahon ng nasyon, at kaligayahan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mapayapa at sibilisadong paraan. Kaya aniya, pareho ito sa hangarin ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Sa kanya namang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, binigyang-diin ni Wiranto, Tagapangulo ng People's Conscience Party ng Indonesia, na ang pagpapatibay ng relasyon ng Tsina at ASEAN ay nangangailangan, hindi lamang ng pagkatig ng panig opisyal, kundi rin ng pagtatatag ng isang pangmatagalang mekanismo ng kooperasyon. Dagdag pa niya, dapat patingkarin ang bentahe ng di-pampamahalaang pagpapalitan at pagtutulungan, at buuin ang mainam na kapaligiran ng pagpapasulong sa isa't isa ng pagpapalagayang di-pampamahalaan at pagpapalagayan sa mataas na antas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |