|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina ang suporta at kasiyahan sa ibibigay na tulong ng Hapon sa mga bansang Aprikano.
Winika ito ni Hong Lei, Tagapagsalita ng nasabing Ministring Tsino bilang tugon sa tanong na may kinalaman sa ibibigay na tulong ng Hapon sa Aprika. Ang nasabing tulong ay nagkakahalaga ng 32 bilyong dolyares na ipagkakaloob sa susunod na limang taon.
Binigyang-diin ni Hong na ang pag-unlad ng Aprika ay nangangailangan ng suporta at tulong mula sa komunidad ng daigdig. Umaasa aniya ang Tsina na matutupad ng Hapon ang ipinangakong tulong.
Sa katatapos na ika-5 Tokyo International Conference on African Development (TICAD), ipinatalastas ni Punong Ministro Shinzo Abe nasabing aid package.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |