|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Ung Hort, dating Punong Ministro ng Kambodya, na hinahangaan niya ang mahalagang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng pag-unlad ng ASEAN. Aniya, ang pagpapalakas ng pagpapalita't pagtutulungang di-pampamahalaan ng Tsina at Timog Silangang Asya ay makakabuti sa ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon ng kapuwa panig, at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan.
Winika ito ni Ung Hort sa panahon ng kanyang paglahok sa High-level People-to-People Dialogue ng Tsina at Timog Silangang Asya.
Dagdag pa niya, batay sa pagdadalawan at pagpapalagayan ng panig opisyal, ang pagpapalakas ng kooperasyon at pagpapalagayang di-pampamahalaan ng kapuwa panig sa mga aspektong gaya ng kabuhayan, kalakalan, pagpapalitan ng impormasyon, at iba pa ay tiyak na makakatulong sa pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng Tsina at Kambodya.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |