|
||||||||
|
||
Ang Chengdu ay nagkakaloob ng mainam na serbisyo para sa mga bahay-kalakal. Mayoon itong tatlong prinsipyo sa negosyo, at ang mga ito ay tinaguriang "3 prinsipyo ng wala". Una, "walang delay". Ibig sabihin, madaling marating ang lugar na ito. Ikalawa, "walang delag", ibig sabihin, episyante ito sa paghawak ng mga proseso ng negosyo. At ikatlo, "walang stocks", ibig sabihin, mabilis nitong naibebenta ang lahat ng paninda.
Tinatamasa ngayon ng A.P. Moller-Maersk Group, Danish business conglomerate ang nasabing mga benepisyo. Noong Setyembre ng 2010, idinaos sa Chengdu ang isang talakayan ng mga bahay-kalakal kung saan namumuhunan ang mga mangangalakal na dayuhan. Sa talakayang ito, iniharap ng A.P.Moller-Maersk Group ang hindi maginhawang sistema ng public transport kaya mahirap ang pagko-commute para sa mga empleyado nito. Pagkatapos ng naturang paghaharap ng problema, agarang isinagawa ng departamento ng komunikasyon g Chengdu ang mga hakbangin: nakipagkooperasyon ito sa kompanya ng taxi para ipagkaloob ang espesyal na serbisyo para sa empleyado ng A.P.Moller-Maersk Group; inisaoperasyon din ang sistema ng "walang-bayad na bisikleta"; opisyal na sinimulan ang night bus at iba pa. Sa bandang huli, matagumpay na nalutas ng Chengdu ang problema ng A.P.Moller-Maersk Group sa loob ng isang buwan.
Pinili ni Andy Serwer, Chief Editor ng Fortune, kilalang magazine ng E.U. ang Chengdu bilang lunsod kung saan idaraos ang 2013 Fortune Global Forum. Ipinahayag niyang ang Chengdu ay ang pinakamainam na lunsod kung saan maaaring idaos ang porum na ito. Aniya, ito ay isang episyenteng lunsod at mabilis ang pag-unlad nito. Kaakit-akit ang Chengdu para sa mga transnasyonal na bahay-kalakal dahil sa kasiglahan. Sinabi pa ni Serwer na ang kasalukuyang Chengdu ay pacemaker sa maraming industriyang kinabibilangan ng sasakyang-de-motro, logistics, teknolohiya, serbisyo at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |