Ipininid kahapon sa Fangchenggang City, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang High-level People-to-People Dialogue ng Tsina at Timog Silangang Asya. Narating sa diyalogo ang mga komong palagay hinggil sa kooperasyong di-pampamahalaan ng dalawang panig. Ihahatid ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa ang mga ito sa kani-kanilang pamahalaan at mga mamamayan, para magkakasamang mapasulong ang kapayapaan at katatagan ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya.
Sa seremonya ng pagpipinid, tinukoy ni Sun Jiazheng, Puno ng China NGO Network for International Exchanges, na ipinakikita ng diyalogong ito ang patakaran ng mapayapang pag-unlad ng Tsina, hangarin nitong maging kaibigan at katuwang ng mga kapitbansa, at determinasyon sa pagpapasulong ng kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito. Umaasa siyang, sa pamamagitan ng diyalogo, mabubuo ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya ang mekanismo ng mapagkaibigang pagpapalitang di-pampamahalaan.
Salin: Liu Kai