Sa news briefing na idinaos kagabi sa Fangchenggang City pagkatapos ng High-level People-to-People Dialogue ng Tsina at Timog Silangang Asya, ipinahayag ni You Jianhua, Pangkalahatang Kalihim ng China NGO Network for International Exchanges, na kailangang palakasin ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya ang pagpapalagayang di-pampamahalaan at pag-uugnayan ng mga mamamayan, para mabawasan at maalis ang mga maling pag-uunawaan at maling desisyon. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagsisikap sa platapormang di-pampamahalaan, makapagbubukas ng bagong landas para sa relasyon ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya.
Sinabi ni You na ang pagpapalitang di-pampamahalaan ay mahalagang bahagi ng relasyong diplomatiko ng Tsina at mga bansang nakapaligid dito, at mahalaga ring paraan para mapangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng mga aktibidad na gaya ng diyalogong ito, ibayo pang mapapasulong ang pagpapalitang di-pampamahalaan ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya.
Salin: Liu Kai