Kinatagpo kahapon sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga kinatawang Amerikano sa Ika-4 na Diyalogo ng mga lider Sino-Amerikano mula sa sirkulong Industriyal, Komersyal, at mga dating mataas na opisyal ng pamahalaan. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa relasyong Sino-Amerikano, at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Li na bilang kapupunan ng pamahalaan, ang diyalogong ito ay gumaganap ng walang katulad na papel sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig.
Sinagot din ng Premyer Tsino ang mga tanong ng mga kalahok hinggil sa isinasagawang reporma ng Tsina, pag-unlad ng industriyang pinansyal at panserbisyo, kaligtasan ng enerhiya, at pangangalaga sa kapaligiran.