Kahapon, sa isang preskon ng High Level People to People Dialogue ng Tsina at Timog Silangang Asya, ipinahayag ni Li Mingxing, Managing Director ng China Enterprise Confederation, na umabot sa 400 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, noong 2012, at 100 bilyong dolyares naman ang halaga ng pamumuhunan ng dalawang panig. Aniya, ang kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN ay nagsisilbing mahalagang bahagi sa kooperasyong panrehiyon.
May malaking potensyal ang pagtutulungan ng Tsina at mga bansa ng Timog Silangang Asya, at pinapabuti rin ang kanilang sistemang pangkooperasyon, dagdag pa niya.