Ipinasiya kahapon nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Enrique Peña Nieto mula sa Mexico na pataasin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibong estratehikong partnership, para ibayo pang pahigpitin ang mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xi na pahalaga nang pahalaga ang bilateral na relasyon ng Tsina at Mexico sa kani-kanilang larangang panlabas. Kaya ang nasabing kapasiyahan aniya ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Peña Nieto na ang naturang kapasiyahan ay palatandaang pumasok na ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon. Nakahanda aniya ang Mexico, kasama ng Tsina, na isakatuparan ang mas mabisang kooperasyon at magkasamang pag-unlad.
Salin: Ernest