|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Osaka ni Hiromu Nonaka, dating pangkalahatang kalihim ng Liberal Democratic Party ng Hapon, ang kanyang pananangan sa narating na komong palagay ng Tsina't Hapon hinggil sa pagsasa-isang-tabi ng mga pagkakaiba sa isyu ng Diaoyu Islands.
Tinukoy ng dating mataas na opisyal-Hapones na ikinababalisa ng mga mamamayang Hapones ang komprontasyon ng Tsina't Hapon hinggil sa nasabing isyu. Dagdag pa niya, ang dahilan ng komprontasyon ay ang pagpapabulaan ng kasalukuyang Pamahalaang Hapones sa komong palagay na napagkasunduan ng Tsina't Hapon hinggil sa pagsasaisang-tabi ng alitan hinggil sa isyu ng Diaoyu Islands.
Ipinahayag ni Nonaka ang nasabing paninindigan pagkaraan ng kanyang pagdalaw sa Tsina. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-35 anibersaryo ng paglalagda ng Tsina't Hapon sa Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibagan ng dalawang bansa. Aniya pa, bumisita siya sa Tsina sa okasyong ito para himukin ang mga Partidong Hapones na tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan at kumpunihin ang relasyong Sino-Hapones.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |