|
||||||||
|
||
Natapos kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang opisyal na pagdalaw sa Mexico at lumisan na siya patungong California, Estados Unidos, para makipagtagpo kay Pangulong Barack Obama.
Pagkatapos ng pagtatagpo ng mga Pangulo ng Tsina at Mexico, magkasamang ipinatalastas nilang itaas ang relasyong Sino-Mehikano sa komprehensibong estratehikong partnership. Anila, para maisakatuparan ito, sumang-ayon ang dalawang lider na magsikap sa mga sumusunod na apat na aspekto: una, pakitunguan ang relasyong Sino-Mexican sa ekstratehikong pananaw at pangmalayuang anggulo, para mapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal; ikalawa, palakasin ang pragmatikong pagtutulungan batay sa kani-kanilang estratehiya ng pag-unlad; ikatlo, samantalahin ang sari-sariling bentahe bilang malaking bansa ng kultura, para mapalawak ang pagpapalitang kultural; ika-4, pahigpitin ang multilateral na koordinasyon, batay sa komong kapakanan at responsibilidad sa mga mahalagang isyung pandaigdig.
Nakatakdang idaos ngayong araw at bukas sa Annenberg Estate, California ang pagtatagpo ng dalawang lider ng Tsina at E.U.. Malawak at malalimang mag-uusap sina Xi at Obama hinggil sa mga isyung estratehiko na kapwa nila pinahahalagahan, para maiharap ang gabay na mungkahil para sa konstruksyon ng kanilang partnership batay sa paggalangan sa isa't isa, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Ito rin ay para sa pagtatatag ng bagong relasyon ng mga malaking bansa ng Tsina at E.U..
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |