Ang ika-15 ng Hunyo ay araw ng paglalagda sa Deklarasyon ng Hilaga at Timog ng Peninsulang Koreano. Ipinahayag kahapon ng Hilagang Korea na nakahanda itong makipag-usap sa Timog Korea sa panahong iyon hinggil sa mga isyu ng Kaesong Industrial Complex, turismo, at nagkawalay na mga pamilya.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ng panig ng Timog Korea na positibo ito sa mungkahing nabanggit ng Hilagang Korea. Umaasa ang Timog na mapapasulong nito ang pagtitiwalaan ng dalawang panig.
Samantala, ipinahayag naman ni Martin Nesirky, Tagapagsalita ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na positibo si Ban sa aksyong nabanggit ng Hilaga at Timog Korea. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng Peninsulang Koreano. Tutulungan ni Ban ang dalawang panig para maisakatuparan ang rekonsilyasyon sa Peninsulang Koreano, dagdag pa niya.