Aniya pa, ang musika ay unibersal na wika, at umaasa siyang sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, muling lalakas ang relasyon ng mga pamahalaang Pilipino at Tsino at titibay ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Kung gusto po ninyong marinig ang panayam ng 90.5 News Radio sa mga miyembro ng LCC, mag-log-on lang po sa http://newsradio.cri.cn/hqwhq/20130607/9375.htm.
Mayroon ding pong gagawing espesyal na tampok na programa ang Serbisyo Filipino hinggil sa panayam nito kay Ms. Alma Fernando-Taldo at Cecille, isa sa miyembro ng LCC. Kaya, abangan ninyo ito sa aming website na filipino.cri.cn.
1 2