|
||||||||
|
||
Bago ang pagtatagpo ng mga Pangulo ng Tsina at Amerika na sina Xi Jinping at Barack Obama, ipinahayag ng mga mataas na opisyal at dalubhasang Amerikano, na mahalagang mahalaga ang katuturan ng naturang pagtatagpo. Umaasa silang makakapagpasulong ito sa pagtatatag ng bagong relasyon ng Tsina at Amerika.
Sinabi kamakalawa ni Brent Scowcroft, dating National Security Adviser ng Amerika, na kahit may pagkakaiba ang Tsina at Amerika sa mga aspektong gaya ng kasaysayan at kultura, wala namang saligang alitan sa pagitan ng dalawang bansa. Malawak ang komong kapakanan ng dalawang bansa sa buong mundo, at nagiging mahalagang starting point ng pagpapalalim ng kooperasyon ng kapuwa panig sa mga paksang pandaigdig ang pagpapalalim ng pag-uunawaan, at pagsasaisang-tabi ng hidwaan.
Sa kanya namang artikulong ipinalabas kamakalawa sa "Wall Street Journal," sinabi ni Henry Paulson, dating Kalihim ng Tesorarya ng Estados Unidos, na nitong nakalipas na 10 taon, ang paksang pangkabuhayan ay nananatiling masusing paksa na may kinalaman sa katatagan ng relasyong Sino-Amerikano. Kailangang samantalahin aniya ng dalawang lider ang pagkakataon ng gaganaping pagtatagpo, para muling mabigyang-diin ang komong palagay ng kapuwa panig sa paksang pangkabuhayan. Dagdag pa niya, kapuwa nakinabang ang panig Tsino't Amerikano sa proseso ng malakas na paglago ng kabuhayang Tsino noong nagdaang 10 taon.
Sa tingin ni J. Stapleton Roy, dating Embahador ng Amerika sa Tsina, ang nasabing pagtatagpo ay magsisilbing "mahalagang pangyayari" sa relasyong Sino-Amerikano. Magkakaloob ito ng pagkakataon para sa pagpapahigpit ng dalawang pangulo ng pag-uunawaan, at paghawak sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan. Buong pananabik na aantabayanan niya ang pagtalakay ng mga lider sa isyu ng pagtatatag ng bagong relasyon ng dalawang dakilang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |