Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi at Obama, nagtagpo

(GMT+08:00) 2013-06-08 10:16:37       CRI

Nagtagpo kahapon sa Annenberg Retreat, California, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang counterpart na Amerikano na si Barack Obama.

Ipinahayag muna ni Pangulong Xi ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Obama sa imbitasyon ng huli at ang kanyang kasiyahan sa kanilang pagtatagpo sa Sunnylands. Ani Xi, malapit ang Sunnylands sa Karagatang Pasipiko at ang Tsina naman ay nasa kabilang pampang ng Karagatan. Aniya pa, sa kanyang pagdalaw sa Amerika noong taong 2012, sinabi niyang napakalawak ng Karagatang Pasipiko na nakakasiya ito para sa pag-unlad ng Tsina't Amerika, dalawang malalaking bansa sa daigdig. Hindi nagbabago aniya ang tingin niya. Dagdag pa ni Xi, ang layunin ng kanyang pakikipagtagpo kay Obama ay balangkasin ang blueprint ng relasyong Sino-Amerikano at ilunsad ang kooperasyong trans-Ocean Pacific ng dalawang bansa.

Tinukoy ng pangulong Tsino na mahigit apatnapung (40) taon ang nakakaraan, sa tapang at katalinuhan bilang strategists, naisakatuparan ng mga lider ng dalawang bansa ang pagkakamayan na lampas sa Karagatang Pasipiko at nabuksan ang pinto ng pagpapalitan ng dalawang bansa. Nitong apat (4) na dekadang nakalipas, sa kabila ng pabagu-bagong lagay nito, natamo ng bilateral na relasyon ang kaunlarang pangkasaysayan at nagdudulot ito ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Aniya pa, sa kasalukuyan, nasa bagong puntong panimula ang relasyong Sino-Amerikano. Magkakapareho ang interes ng dalawang bansa sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan, pagpapasulong ng katatagan at pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig, paghawak sa mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig, at pagtugon sa mga hamong pandaigdig. Dahil dito, dapat aniyang pahigpitin ng dalawang bansa ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan.

Pinagdiinan ni Pangulong Xi na sa ilalim ng bagong situwasyon, dapat nilang malalimang suriin ang relasyon ng dalawang bansa, kumbaga, anong relasyong Sino-Amerikano ang kakailanganin? Ano ang dapat gawin para maisakatuparan ang win-win situation at paano amgiging magkaagapay ang dalawang bansa para mapasulong ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig? Ito aniya ay pinahahalagahan hindi lamang ng mga mamamayan ng dalawang bansa kundi ng komunidad ng daigdig. Kaya, iminungkahi ni Xi na bumatay sa saligang interes ng mga mamamayan ng Tsina't Amerika, umasa sa progreso ng sangkatauhan at magkasamang magpunyagi ang mga pamahalaan ng Tsina't Amerika para maitatag ang bagong uri ng relasyon sa pagitan ng malalaking bansa.

Nananalig ang Pangulong Tsino na magiging mabunga ang kanilang pagtatagpo ni Obama at magpapasigla ito ng relasyong Sino-Amerikano.

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>