Nagtagpo kahapon sa Annenberg Retreat, California, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang counterpart na Amerikano na si Barack Obama. Nang kapanayamin ang mga dalubhasang Tsino at Amerikano sa relasyong Sino-Amerikano, ipinalalagay nila na bagama't hindi puwedeng lutasin ng pagtatagpong ito ang lahat ng problema at pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa, mapapahigpit nito ang paguunawaan ng dalawang bansa, bagay na makakapaglatag ng mas matibay na pundasyon sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Sa pagtatagpo, kapwa binanggit ng dalawang lider na dapat palakasin ang kooperasyon sa pagharap sa mga hamong pandaigdig. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na sa kalagayan ng mabagal na pag-ahon ng kabuhayang Amerikano at mabilis na paglaki ng kabuhayang Tsino, ang pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang makakabuti sa dalawang bansa, kundi makakatulong sa pagpapasigla ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng