Sinimulan kamakailan sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang isang malaking media coverage activity, bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ng estratehikong partnership, at ika-10 anibersaryo rin ng pagdaraos ng China ASEAN Expo.
Sa ilalim ng aktibidad na ito, mula ngayong araw hanggang ika-18 ng buwang ito, pupunta sa iba't ibang bansa ng ASEAN ang mga mamamahayag mula sa 22 malalaking media ng Tsina na kinabibilangan ng People's Daily, China Central Television, Xinhua News Agency, China Daily, at iba pa, para kapanayamin ang mga malaking pulitiko, business leaders, at mga kinatawan ng mga bahay-kalakal ng mga bansang ito, hinggil sa relasyon at kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng ASEAN.