Idinaos kagabi sa Yangon, Myanmar, ang launching ceremony ng Chinese TV drama series "Jin Tailang's Happy Life." Ito ang kauna-unahang TV series ng Tsina na nilapatan ng wika ng Myanmar.
Kapwa ipinahayag nina U Ye Htut, Pangalawang Ministro ng Impormasyon ng Myanmar, at Yang Houlan, Embahador ng Tsina sa bansang ito, na ang pagtatanghal ng naturang TV series ay isa pang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Myanmar, para palalimin ng mga mamamayan ng Myanmar ang pagkaunawa sa Tsina, at palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ang naturang TV series ay isinalin ng Myanmar Service ng China Radio International at nilapatan ang mga diyalogo sa wika ng Myanmar ng mga aktor ng bansang ito. Isasahimpapawid ito sa state TV ng Myanmar simula ika-13 ng buwang ito.