|
||||||||
|
||
Si Amb. Basilio (pangatlo mula sa kanan) kasama si Amb. Calos Chan, Special Enovy ng Pilipinas sa Tsina. kanyang may bahay at mga opisyal Tsino. (Kuhang larawan mula sa Philippine Embassy, Beijing)
Ipinagdiriwang ngayong araw, Hunyo 9, ang ika-38 anibersaryo ng pagtatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Bahagi ng pagdiriwang ang pagtatanghal "Handog Para sa Kaibigan" ng bantog na Loboc Children's Choir (LCC) sa National Center for the Performing Arts sa Beijing nitong Sabado.
Nag tatalumpati si Amb. Basilio. (Kuhang larawan mula sa Philippine Embassy, Beijing)
Ayon kay Kgg. Erlinda Basilio, Embahador ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing na ang konsierto ay bahagi ng Philippine-China Years of Friendly Exchanges. Ito ay handog sa mga Tsino at mga taga-suporta na nagsisigasig na ituloy ang ugnayan sa mga mamamayan upang higit na palalimin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Dumalo sa pagtatanghal ang mga opisyal mula sa Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina, ASEAN-China Center, Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries, mga diplomata mula sa mga pasuguan ng ASEAN sa Beijing at Oishi China.
Sa pagtatanghal inawit ng LCC ang mga kilalang kanta sa ibat-ibang wika kabilang ang Molihua, isang katutubong awiting Tsino.
Sa darating na Miyerkules, ika 12 ng Hunyo ipagdiriwang din ng pasuguan ang ika-115 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ang Pilipinas. Idaraos ang seremonya ng pagtataas ng watawat sa pasuguan at inaasahang dadalo rito ang mga miyembro ng Filipino community.
Bubuksan din sa ika-17 ng Hunyo ang "Flavors of the Philippines" isang pista ng piling pagkaing Pilipino sa Westin Hotel, Chaoyang Beijing.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |