Ipinatalastas ngayong araw ng tagapagsalita ng Manned Space Project ng Tsina, na bukas alas-5:38 ng hapon, ilulunsad ang Shenzhou-10 Manned Spacecraft. Sakay nito ang dalawang lalaking astronaut na sina Nie Haisheng at Zhang Xiaoguang, at isang babaeng astronaut na si Wang Yaping. Kabilang dito, ito ang ikalawang beses na paglipad sa kalawakan ni Nie, at kauna-unahan naman nina Zhang at Wang.
Mananatili nang 15 araw sa orbita ang Shenzhou-10. Sa panahong ito, isasagawa ang isang automatic docking at isang manual docking nito sa Tiangong-1 Space Lab Module. Papasok din ang mga astronaut sa Tiangong-1, para gumawa ng pagsubok, eksperimento, at iba pa.
Sa kasalukuyan, maayos na ang iba't ibang paghahanda para sa paglulunsad ng Shenzhou-10. Handang-handa na rin ang Tiangong-1 para sa docking.