Lumisan ngayong araw ng isang puwerto sa Shanghai ang Haixun 01, pinakamalaki at pinakamaunlad na maritime patrol vessel ng Tsina, para pasimulan ang 62-araw na biyahe nito sa Australya, Indonesya, Myanmar, at Malaysia.
Ang paglalayag na ito ay ini-organisa batay sa resolusyong narating sa ika-11 pulong ng mga ministro ng komunikasyon ng Tsina at ASEAN noong isang taon. Naglalayon itong palakasin ang pagpapalitan ng Tsina at mga bansang dadalawan sa suliraning pandagat, at ibahagi ang mga karanasan sa larangang ito.