|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Tinalakay kahapon nina Surapong Tovichakchaikul, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, at kanyang counterpart na si Hor Namhong ng Cambodia, ang mga isyu hinggil sa hanggahan ng dalawang bansa.
Ayon sa mga narating na nagkakaisang palagay, itinatag ng dalawang panig ang dalawang espesyal na sonang pangkabuhana sa kanilang purok-hanggahan, at magsusuplay ang Thailand ng koryente sa mga lalawigang panghanggahan ng Cambodia para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa enerhiya.
Bukod dito, ipinangako din nila ang pagpapahigpit ng kooperasyon sa turismo, kalusugan at paglaban sa mga transnasyonal na krimen.
Pagkatapos ng pag-usap, ipinahayag ni Surapong Tovichakchaikul na naniniwala siyang maisasakatuparan ang kasaganaan, kapayapaan at katatagan sa hanggahan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagsisikap ng dalawang panig.
Naniniwala naman si Hor Namhong na magiging mapayapa, maunlad at mapagkaibigan ang hanggahan ng dalawang bansa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |