Idinaos ngayong araw ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Kazakhstan ang magkasanib na pagsasanay laban sa terorismo.
Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa mga departamentong panseguridad at pang-intelihensiya ng mga kasaping bansa ng SCO. Ayon sa panig Kazakhstan, ang naturang pagsasanay ay naglalayong mapataas ang kakayahan ng mga tropa ng SCO sa kanilang kooperasyon at koordinasyon, sa pagbibigay-dagok sa mga teroristikong aktibidad, at mapalakas ang pragmatikong pagtutulungan ng mga namamahalang organo ng SCO sa paglaban sa terorismo.
Salin: Andrea