Sinimulan ngayong araw sa National Historical Commission ng Pilipinas sa Maynila ang isang eksibisyon ng mga kuhang-larawan hinggil sa mga marahas na aksiyon ng hukbong Hapones sa World War II. Tatagal nang 10 araw ang eksibisyong ito.
Sa eksibisyon, nakatanghal ang 260 kuhang-larawan ng mga marahas na aksiyon ng hukbong Hapones sa panahon ng pananalakay sa Pilipinas, Tsina, at mga iba pang bansa ng Timog Silangang Asya. Ang naturang mga larawan ay ipinagkaloob ng Pilipinas, Tsina, Indonesya, Myanmar, Malaysia, at Singapore.
Salin: Liu Kai