|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na tinanggap nito ang kahilingan ng Unyong Europeo (EU) hinggil sa pagsasanggunian sa ipinapataw na taripa ng Tsina sa mga steel tube o tubong asero mula sa EU.
Tinukoy rin ng Ministring Tsino na tumpak na hahawakan nito ang isyung ito sa ilalim ng mekanismo ng World Trade Organization (WTO) sa paghawak sa mga alitan.
Nauna rito, naghain ang EU ng reklamo sa WTO laban sa ipinapataw na taripa ng Tsina sa mga tubong asero mula sa EU at humiling ng pakikipagkonsultasyon sa Tsina sa ilalim ng WTO.
Noong nagdaang Nobyembre, nagpasiya ang Ministri ng Komersyo ng Tsina na ipataw ang limang-taong anti-dumping duties sa high-performance stainless steel seamless tubes (HP-SSST) mula sa EU at Hapon makaraang matuklasan nitong itinambak ng nasabing dalawang economy ang mga produkto sa pamilihang Tsino na nakapinsala sa mga mangangalakal na Tsino.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |