Ipinahayag kahapon ni Than Htay, Ministro ng Enerhiya ng Myanmar, na nakatakdang isaoperasyon sa susunod na buwan ang natural gas pipeline ng Tsina at Myanmar, ngunit, dahil naantala ang konstruksyon ng proyekto sa Tsina, nangangailangan pa ng halos tatlong (3) buwan para komprehensibong magamit ang Oil at gas pipeline ng dalawang bansa.
Ayon naman sa China National Petroleum Corporation (CNPC), natapos na ang konstruksyon ng proyekto ng tubo ng natural gas at natapos na din ang 94% ng konstruksyon ng tubo ng crude oil.
Salin: Li Feng