Sinabi kahapon ni Ben Rhodes, Deputy National Security Adviser for White House na ilang beses na ginamit ng pamahalaan ng Syria ang chemical weapons na gaya ng sarin gas sa mga sagupaan noong taong nakalipas, at ikinamatay ito ng mahigit 100 katao. Gumawa na si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ng kapasiyahan na magkakaloob ng mas malaking tulong sa oposisyon ng Syria, na kinabibilangan ng militar na tulong.
Ipinahayag ni Rhodes na ayon sa kanilang deteksyon, ang paggamit ng chemical weapons ay ikinamatay ng 100 hanggang 150 katao, at ang bilang na ito ay posibleng higit pa. Aniya pa, ayon sa mga testimonya, hindi pa gumagamit ang oposisyon ng Syria ng chemical weapons. Ipapalabas ng Amerika at kanyang mga kaalyado ang may kinalamang ulat hinggil sa patotoo sa komunidad ng daigdig at publiko.
salin:wle