Isang ensayo ng pakikibaka sa terorismo ang idinaos kahapon ng Shanghai Cooperative Organization(SCO) sa katimugan ng Kazakhstan. Ito ay naglalayong pigilin ang mga teroristikong aksyon, sugpuin ang mga terorista, at iligtas ang mga hostage.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, ipinahayag ng isang opisyal ng SCO, na narating ng pagsasanay ang nakatakdang target. Ito aniya'y makakatulong, hindi lamang sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng SCO sa mga aksyon kontra terorismio, kundi maging sa pagpapataas ng kakayahan upang labanan ito.