Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping, mula ika-19 hanggang ika-21 ng buwang ito, magsasagawa si Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam ng dalaw-pang-estado sa Tsina. Umaasa aniya ang panig Tsino na sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, matatamo ang bagong progreso ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Isiniwalat ni Hua na sa panahon ng pagdalaw, mag-uusap sina Pangulong Xi at Pangulong Truong hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Aniya, sa kasalukuyan, tinatalakay ng mga may kinalamang departamento ng dalawang bansa ang hinggil sa mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangan ng pulitika, depensa, kabuhaya, kalakalan, kultura, at iba pa.
Dagdag pa ni Hua, ang Tsina at Biyetnam ay mahalagang magkapitbansa at magkatuwang, at paborable sa kapwa panig ang kanilang malusog at matatag na relasyon. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Biyetnam, na ibayo pang palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, at palakasin ang pag-uugnayan sa mga multilateral na suliranin.