Kaugnay ng pagbubunyag ng isang whistleblower na Amerikano hinggil sa matagalang pagsasagawa ng pamahalaan ng Estados Unidos ng hack attacks sa Tsina, inulit kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paninindigan ng kanyang bansa na ang Tsina ay isa sa mga target ng pinakamarami at pinakagrabeng cyber attacks, at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng cyber attacks. Aniya, kinakailangan ng cyber space ang mga tuntunin at kooperasyon, sa halip ng digmaan at hegemonya.
Isinalaysay din ni Hua na itinatag kamakailan ng Ministring Panlabas ng Tsina ang tanggapan sa suliranin ng network, para hawakan ang mga diplomatikong isyu hinggil sa network. Dagdag pa niya, may network working group sa ilalim ng Strategic Security Dialogue ng Tsina at E.U., at tatalakayin ng dalawang bansa ang may kinalamang isyu sa loob ng balangkas na ito.