Nagtakda kahapon ang Konseho ng Estado ng Tsina ng sampung hakbangin hinggil sa pagsupil sa polusyon sa hangin.
Ipinahayag ng pamahalaang Tsino na ang naturang mga hakbangin ay sumasaklaw sa pagsasaayos ng estruktura ng industriya, pagpapalakas ng inobasyon sa pagpigil at pagkontrol sa polusyon sa hangin, at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal. Anito pa, malaking problema sa Tsina ang polusyon sa hangin, kaya dapat buong higpit na isagawa ang mga hakbanging ito, para makita ang bisa ng mga ito sa lalong madaling panahon.