Kaugnay ng pahayag kamakailan ng Estados Unidos hinggil sa pagkakaloob ng direktang tulong na militar sa paksyong oposisyon ng Syria, nagpahayag kahapon ng pagtutol dito si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN.
Sinabi niyang masama ang pagkakaroon ng mga sandata ng alinman sa dalawang nagsasagupaang panig ng Syria, at hindi makakatulong ang naturang aksyon ng E.U. sa pagpapahupa ng kalagayan ng Syria.
Nagpahayag naman ng lubos na pagkabahala ang Rusya sa naturang pahayag ng E.U.. Ipinalalagay nitong magpapalala lamang ang aksyon ng E.U. sa kalagayan ng Syria.
Sa isa pang ulat, pinagtibay kahapon ng UN Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng Syria. Sa resolusyon, kinondena ng UNHRC ang mga aksyon ng kapwa nagsasagupaang panig ng Syria ng paglapastangan sa karapatang pantao. Patuloy din nito ipinapataw ang presyur sa pamahalaan ng Syria, at hinihiling dito na isagawa ang komprehensibong pakikipagkooperasyon sa pandaigdig na komisyon ng pagsisiyasat sa isyu ng Syria.