Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas kahapon ng pahayag si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN bilang pagpapahayag ng pagkabahala sa patuloy na pagtatayo ng pamahalaan ng Israel ng purok-panirahan sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan.
Kamakailan, ipinasiya ng pamahalaan ng Israel ang pagtatayo ng ilang daang pabahay sa isang purok-panirahan sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan. Kaugnay nito, sinabi ni Ban na labag sa pandaigdig na batas ang aksyong ito ng Israel, at makakapinsala ito sa pagsisikap ng iba't ibang panig para mapanumbalik ang talastasan ng Israel at Palestina.